Eroplano na may lulan 72 nag-crash sa Nepal

Isang eroplanong may lulan na 72 katao ang bumagsak sa Nepal, na ikinasawi ng hindi bababa sa 68 nitong pasahero

Makikita sa video ng lokal na media sa Nepal ang makapal at maitim na usok mula sa lugar na pinagbagsakan ng eroplano.


Ang footage sa social media ay naunang nakitang lumilipad nang napakababa ang eroplano bago nagsimulang umikot.

Hindi bababa sa 68 na bangkay ang narekober mula sa crash site malapit sa Pokhara International Airport sa kanluran ng bansa, ayon sa Nepal aviation authority.

Ang eroplano ay may lulan na 72 pasahero, kabilang ang tatlong sanggol, at apat na cabin crew, ayon sa tagapagsalita ng airline.


Sa mga pasahero, lima ang Indian, apat na Russian at dalawang South Korean, habang may tig-isang pasahero mula sa Ireland, Australia, France at Argentina.


Tags: Pokhara International Airport

You May Also Like

Most Read