Latest News

ePhilID tatanggapin na ng DFA sa passport applications

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs na tatanggapin na ang ePhilID bilang “accredited government-issued valid ID” sa passport applications simula October 21.

Ayon sa DFA, maaaring bisitahin ng publiko ang https://www.philsys.gov.ph/public-advisory-10/ ukol sa “digitized version” ng PhilSys ID (National ID).


Samanta;a, para opisyal na tanggapin ng DFA ang naturang ID sa pagproseso ng passport, dapat umanong suriin maigi na ang nakalagay na detalye ng pagkakakilanlan sa ePhilID ay klato, nababasa at kapareho ng detalye sa iprinisintang iba pang dokumento na kinakailangan sa passport application.

Para sa iba pang detalye ukol sa iba pang passport requirements, bisitahin ang https://dfa-oca.ph/passport/passport-requirements/.


Tags: Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs

You May Also Like