ENROLLEES SA SY 2024-2025, MAHIGIT 19 MILYON

By: Philip Reyes

Umaabot sa mahigit 19 milyon ang bilang ng mag-aaral na naitala ng Department of Education (DepE) na naka-enrol sa elementarya hanggang senior high school para sa school year 2024-2025.

Ayon sa inilabas na datos ng DepEd noong Linggo, nasa 19,268,747 estudyante ang naka-enrol sa mga pampubliko at pribadong paaralan, kasama na dito ang alternative learning program, gayundin ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.


Inaasahan din umano ng DepEda na tataas pa ang bilang ng enrollees matapos ang school opening sa Lunes.

Anito, nasa 979 na mga paaralan ang ipagpapaliban sa school opening dahil sa malawakang naging pagbaha dulot ng Typhoon Carina at southwest monsoon o habagat.

Batay sa tala ng DepEd, sa kabuuang bilang ng mga enrollees, nasa 16,794,173 ang naka-enrol sa mga pampublikong paaralan habang 2,244,867 sa mga pribadong paaralan; 23,875 sa SUCs/LUCs, at 205,832 sa ALS.


Naitala ang pinakamataas na bilang ng enrolment sa Rehiyon IV-A na may 2,811,458 mag-aaral. Sinundan ito ng Region III na may 2,194,185 at ng National Capital Region na may 2,068,568 enrollees.


Tags: Department of Education (DepE)

You May Also Like