Enrollees para sa SY 2023-2024, halos P27M na — DepEd

By: Anthony Quindoy

Halos P27 milyon na ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nagpatala para sa schoolyear 2023-2024.

Ito ay bnatay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2023-2024 ng Department of Education (DepEd), kung saan nabatid na hanggang alas-2:10 ng hapon ng Setyembre 15, 2023, ay nakapagtala na sila ng 26,912,559 kabuuang bilang ng mga estudyante na nagparehistro para sa bagong taong panuruan.

Kasama umano sa naturang bilang ang mga mag-aaral na nagpatala sa public at private schools, gayundin sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).


Anang DepEd, sa nabanggit na bilang, pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,913,016.

Sinusundan naman ito ng Region III (Central Luzon) na nasa 2,956,658 at National Capital Region (NCR) na nasa 2,779,389.

Samantala, ang Alternative Learning System (ALS) naman ay nakapagtala na ng 330,578 enrollees.

Anang DepEd, bagamat nagbukas na ang klase noon pang Agosto 29, 2023, patuloy pa rin silang tatanggap ng late enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre.


Kumpiyansa naman ang DepEd na maaabot nila ang mahigit sa 28 milyong enrollees na target hanggang sa nasabing panahon.

Ayon pa sa DepEd, ang kabuuang bilang ng mga enrollees para sa SY 2023-2024 ay maiaanunsyo lamang nila sa sandaling magsarado na ang isinasagawang encoding period sa Oktubre 30, 2023.

Tags: Department of Education (DepEd)

You May Also Like

Most Read