ENGINEER PATAY, ANIM PA SUGATAN SA DRIVER NA MENOR DE EDAD

By: Victor Baldemor Ruiz

Desididong magdemanda ang pamilya ng 67- anyos na dating agriculture engineer na nasawi matapos na salpukin ang kanilang sasakyan ng isang SUV na minamaneho ng isang 17-anyos na menor de edad sa Misamis Oriental.

Dead- on- the – spot ang biktima na kinilalang si Engr Emily Pagaling habang anim pa ang sugatan kabilang ang asawa nitong si Judito 70, ang anak nitong Ksi athleen Cecille, 36, at tatlong apo na pawang menor de edad.


Napag-alamang galing sa United States ang biktima na umuwi sa Pilipinas para dito magdiwang ng Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Lumilitaw sa paunang imbestigasyon na galing ng Laguindingan Airport patungong Cagayan de Oro City ang mga biktima sakay ng kulay itim na Ford Expedition na minamaneho ni Carlo Emil Bongcayao, nang bigla silang salpukin ng isang Ford Everest na minamaneho naman ng isang 17-anyos na binatilyo.

Sinasabing mabilis ang takbo ng Ford Everest pagpasok nito sa diversion road ng Barangay Barra,Opol ng nasabing lalawigan, Miyerkules ng gabi.


Base umano sa CCTV footage, sa sobrang lakas ng impact ay bumaligtad pa ang sasakyan ng biktima nang maraming beses.

Ayon kay Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro, dahil sa tindi ng collision impact ay agad na namatay ang biktima, habang wala namang anumang galos ang panig ng menor de edad at apat pang kasamahan nito.


Naka-detine na ang suspek at inihahanda ang mga kaukulang kasong kriminal na isasampa ng pamilya ng mga biktima sa piskalya.


Tags: Police Regional Office 10

You May Also Like

Most Read