Endemic stage, malapit na?

NANINIWALA si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na malapit nang maabot ng bansa ang tinatawag na “endemic stage” ng COVID-19 sa kabila ng pagluluwag sa paggamit ng face mask at bagal ng pagpapabakuna sa ngayon.

“Malapit na. Sa tingin ko, maaabot din natin ‘yan. We just have to continue our ginagawa ngayon para maabot natin ‘yun,” saad ni Solante.


Ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang kahulugan ng endemic ay kung kailan maabot na ang estado na ang mga kaso ay “stable, constant, and predictable”. Dito umano magkakaroon na ng balanse sa transmisyon at immunity ng tao.

Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang henerasyon ng COVID-19 vaccines na target ang Omicron variants, nagpapakita ito na mas nakakapag-produce ng mas mabisang mga antibodies at proteksyon kumpara sa unang henerasyon ng bakuna.

“Kung mapanatili natin ‘yung wall of immunity against these variants, may chance na hindi na siya mag-mutate with the same Omicron. But again, it is not something na definite kasi the ability of this virus na pwede siyang mag-mutate again, especially the Omicron lineage, nandun pa rin,” pagpapaalala naman ni Solante.


Sa inaasahang pagpasok ng bagong bakuna, inaasahan na mapapahina na nito ang Omicron lineage at maputol na ang transmisyon.

Una nang sinabi ni Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa vaccine manufacturers na Moderna at Pfizer para sa pagbili ng mga bagong bakuna na target ang Omicron. Posible umano na makabili ang bansa ng mga ito sa unang quarter na ng 2023. (Carl Angelo)


Tags: Dr. Rontgene Solante

You May Also Like

Most Read