EMPLEYADO, PATAY SA GUNMAN

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang empleyado matapos na barilin ng nag-iisang gunman na nakasakay sa motorsiklo, habang naglalakad ang biktima kahapon ng umaga sa panulukan ng Gerona at Zamora Streets sa Tondo, Maynila.

Kaagad na nasawi dahil sa tama ng bala sa katawan ang biktimang si Darius Quebec y Del Rosario, nasa hustong edad, ng No. 039 Osorio Lacson St., Tondo, Maynila.


Naganap umano ang insidente alas- 7:55 ng umaga sa nabanggit na lugar habang naglalakad ang biktima.

Nakita sa CCTV footage ang biktima na naglalakad sa nabanggit na lugar nang dumating ang suspek na nakasakay ng motorsiklo at kaagad itong binaril.

Nang makita na napuruhan ang biktima ay dumiretso ang suspek patakas sa may Franco Street, dala ang ginamit na armas sa pamamaril.


Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Tags: Darius Quebec y Del Rosario

You May Also Like