Latest News

Empleyado ng MCH , pinababa ng gusali

By: Carl Angelo

Pinababa ng gusali ang mga empleyado ng Manila City Hall matapos na maramdaman ang pagyanig kahapon ng umaga.

Pasado alas -10 ng umaga nang maramdaman ang malakas na pagyanig kaya napilitan bumaba muna ang mga empleyado .

Gayunman, matapos na beripikahin ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)na wala namang pinsala ang gusali ng Manila City Hall ay muling pinabalik sa kanilang mga tanggapan ang mga empleyado.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) nasa Intensity 4 ang naramdamang lindol sa Maynila, habang ang sentro naman ay sa Calatagan, Batangas na may 6.3 magnitude at tectonic.

Tags: Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)

You May Also Like

Most Read