Arestado ng Manila Police District-Police Station 9 ang isang empleyado ng Manila City Hall matapos itong kasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Sec. 3 (C) ng R.A. 3019) sa harap ng kanyang bahay,kamakalawa ng gabi sa San Andres,Malate,Maynila.
Nabatid na ang 50-anyos na biyudang empleyado na isang analyst sa City Budget Office of Manila at residente ng o 584-6, San Andres, Malate, Maynila ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel Gonzales Pimentel,ng Manila.RTC Br.30.
Inirekomenda ng korte ang P90,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Querobines.
Nakatayo umano ang biyuda ,alas-.8:30 sa harap ng kanyang bahay nang arestuhin ng mga pulis.
Nakadetine ang suspek sa MPD-PS9 habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. (Carl Angelo)














