NI BETH GELENA
USAP-USAPANG wino-work out umano ng McLisse.(McCoy de Leon at Elisse Joson) ang kanilang relasyon.
Ayon kay Mama Loi ng “Showbiz Update,” sinamahan umano ni McCoy sa taping si Elisse gayong hindi naman daw parte ng project ang aktor.
Ani Mama.Loi: “Itong si McCoy de Leon at si Elisse Joson, mukhang bati na. Together again.” Tanong naman ni Ogie Diaz: “Nagkabalikan sina McCoy at Elisse?”
“Pero hindi kasama si McCoy dun sa project ha,” paglilinaw pa ni Mama Loi.
Esplika pa ng co-host ni Ogie: “Eh kasi nga nay, nung Friday the 13th, sa shooting ng isang project na kasama si Elisse Joson, kasama niya sa shooting si McCoy pero hindi kasama si McCoy dun sa project ha.”
“Hanggang matapos andun si McCoy eh tapos si McCoy pa yung nagbibitbit nung mga gamit ni Elisse,” dagdag pa ni Mama Loi.
Tanong ni Ogie: “Baka naman andun ang bagets (ang anak ng McLisse na si Felize)?”
“Wala,” mabilis na sagot ng co-host.
Hopefully, magkaayos na nga ang McLisse.