MAPAYAPA sa pangkalahatan ang katatapos na eleksiyon nitong Lunes, Mayo a nuwebe.
Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Commissioner George Garcia ng Commission on Elections bilang asssessment sa ginanap na political exercise.
Ayon kay Garcia, bagamat nagkaroon ng konting aberya sa ilang vote counting machines at ilang insidente ng karahasan, mas tahimik aniya ito kumpara mga nakalipas na halalan.
“Ito po ay generally peaceful election at kung mayroon mang mga konting alingasngas, may kokonti pong ilang nangyari, ito po ang pinakamatahimik as regards sa violence at saka issue ng terrorism,” ani Garcia.
Ilan aniya sa mga problemang nakita ng COMELEC ay ang vote buying at ilang insidente ng karahasan sa isang lugar sa Mindanao at Ilocos Sur na agad namang naayos ng mga otoridad.
“These are isolated incidents and the AFP and the PNP, we’d like to appreciate them, they are in full control of the situation in the entire country,” dagdag ni Garcia.














