Electrician, patay nang lumundag sa elevator shaft dahil sa problema sa syota

By: Carl Angelo

Nalasog ang katawan ng isang 26-anyos na electrician matapos na lumundag sa elevator shaft mula sa ika-20 palapag ng isang gusali kamakalawa ng hapon sa Tondo,Maynila.dahil umano sa problema sa kanyang girlfriend.

Namatay noon din ang biktimang si Robert Tano, ng 645 Claro M. Recto, Tondo, Maynila dahil sa matinding pinsala na tinamo ng katawan dahil sa pagtalon alas- 5 ng hapon.


Ayon kay PSMS Dennis Suba,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, una umanong naawat ang biktima sa pagtalon mula sa 29th floor ng Xinyi Lion Tower na matatagpuan sa 645 C. M. Recto, Tondo, Maynila ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Renie Kent Larotin, 20,stay-in electrician sa gusali, matapos siyang tawagan ng biktima at sabihin na tatalon ito sa gusali.

Kaagad na pinuntahan ni Larotin ang biktima at bago pa makatalon ay nahawakan sa bewang ang biktima at pinayapa.

Pababa na ang dalawa sa gusali nang makiusap ang biktima kay Larotin at nangako na hindi na sasaktan ang kanyang sarili.


Gayunman pagsapit sa Ika -20 palapag ay nagtatakbo ito at tumalon sa elevator shaft na nasa 20th floor.

Ang insidente ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya upang alamin kung may foul play sa pagkamatay nito o wala.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read