INIHAYAG ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na may na-monitor silang pagtaas ng election-related violence sa Maguindanao at Cotabato City, ngayong nalalapit na ang pagdaraos ng May 12 National and Local Elections sa bansa.
Aniya, nagsimula silang makapagtala ng ilang insidente ng krimen sa ilang lugar bago magsimula ang campaign period para sa national elections.
Paglilinaw naman ni Garcia, ang naitatala nilang election-related violence cases ngayong taon ay pinakamababa pa rin mula noong 2013.
Samantala, sinabi rin ni Garcia na mas marami pang lugar sa bansa ang maaaring mailagay sa areas of concern ng poll body, habang papalapit ang halalan sa Mayo.














