HINILING ng Commission on Elections (Comelec) kay Pang. Rodrigo Duterte na ideklara ang May 9 national and local elections bilang isang special non-working holiday.
Ito ang inianunsiyo ni Comelec chairman Saidamen Pangarungan sa isang press briefing nitong Huwebes.
Ayon kay Pangarungan, nilagdaan ng en banc ang Resolution No. 10784 na naglalaman ng kahilingan ng poll body sa pangulo.
“We signed Resolution No. 10784 requesting President Rodrigo Roa Duterte to declare May 9, 2022 as a special non-working holiday all throughout the country in connection with the national and local elections,” aniya pa. (Jaymel Manuel)














