Latest News

Ekonomiya ng bansa, unti-unting lumalakas

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang unti-unti nang pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

Sa organizational meeting ng Committee on Ways and Means, iprinisinta ni Diokno ang pagtaas sa fiscal performance ng bansa sa gitna ng unti-unting pagluwag ng ekonomiya.

Ayon kay Diokno, tumaas ng 19% ang Foreign Direct Investment (FDI) ng bansa sa loob ng unang 5 buwan ng 2022 o 10.5 billion USD kung ikukumpara sa 4.2 billion USD noong nakaraang taon.


Dumoble rin ang kita ng gobyerno sa 16% sa unang kalahating taon kumpara noong 2021 kung saan ang tax at non-tax revenue collection ay umangat din sa 15% at 27%.

Nagkaroon din ng ‘significant increase’ sa koleksyon sa buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 10% habang sa Bureau of Customs (BOC) naman ay tumaas sa 32%.

Sinabi ni Diokno na ang mahusay na koleksyon ng buwis ngayong taon ay bunsod na rin ng pagtugis sa iligal na operasyon ng mga smugglers, pagsunod ng mga negosyante sa customs laws, pinaigting na koleksyon ng buwis sa mga imports at pagbaba ng piso.

Dahil sa maayos na fiscal performance ng bansa ay umangat din ang revenue share sa Gross domestic product (GDP) sa 16.7% na higit pa sa full-year target na 15.2% at tax share sa GDP na 14.9% na lagpas din sa full-year target na 14.5%.


Magkagayunman, ibinabala ni Diokno na nananatili pa ring hindi sigurado ang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa dahil naman sa epekto pa rin ng inflation mula sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Tags: Finance Secretary Benjamin Diokno

You May Also Like

Most Read