BINASAG ng Filipino champion pole vaulter na si Ernest John Obiena ang isa pang Asian record at nagtala ng bagong rekord sa kanyang ikalawang kompetisyon ng taon at nakamit ang gintong medalya matapos ma-clear ang 5.93 metrong taas sa ISTAF Indoor 2024 tournament sa Berlin, Germany.
Itinaas ni Obiena ang bar sa mas mataas nang basagin nito ang higit isang siglong Asian Indoor record .
Ang tagumpay ni EJ Obiena ay nasaksihan ng higit 12,000 manonood sa Mercedes-Benz Arena, Germany at napanood sa buong mundo sa pamamagitan ng livestream noong Pebrero 24 (Pebrero 23 ng gabi sa Berlin).
Nilaktawan ni Obiena ang unang dalawang taas at na-clear ang 5.56 metro sa kanyang unang pagtatangka.
Ang desisyong ito ay naghatid sa kanya para manguna sa 9-man field.
Ang nangungunang atleta ng Asia ay umangat sa isa pang tagumpay sa kanyang pangalawang pagtalon matapos na laktawan ang isa pang dalawang taas at i-clear ang 5.82 metro .
Ang parehong taas ng bar ay nagbigay sa kanya ng silver noong nakaraang taon, kasunod ng world champion na si Armand Duplantis.
Ang kanyang pinakamalapit na challenger, si Tray Oates mula sa USA, ay hinamon si Obiena at sinubukang itugma ang parehong taas ng isang beses, ngunit nabigo.
Sinubukan ng Amerikano na lampasan ang tagumpay ni Obiena sa pamamagitan ng pagtatangka sa 5.88 metro ng dalawang beses subalit muling nabigo.
Si Oates ay nasa ikalawang puwesto na may 5.75 metro.
Hinamon ni Obiena ang kanyang sarili at itakda ang bar sa 5.93 metro para malampasan ang kanyang kasalukuyang season-best record na 5.83 metro na ipinanalo niya tatlong araw lamang ang nakakaraan sa Memorial Josip Gašparac sa Osijek, Croatia.
Higit sa lahat, ang pag-clear sa mas mataas na bar ay magre-reset sa Asian Indoor Record na 5.92 metro na hawak ni Igor Potapovich ng Kazakhstan sa loob ng 26 na taon na itinakda sa Stockholm, Sweden noong 1998.
Subalit hindi nagtagumpay si Obiena na basagin ang rekord sa Osijek.
Ang World No. 2 sa Men’s Pole Vault ay sumira sa Asian Outdoor Record ng Kazakhstani sa parehong taas sa loob ng 23 taon na ginanap sa Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria noong 2021.
Sinira ng 28-anyos na si Obiena ang Asian Indoor Record sa dalawang pagtatangka sa gitna ng hiyawan ng ng crowd sa venue sa Berlin.
Hinamon muli ni Obiena ang sarili sa pamamagitan ng pagtatakda ng bar na mas mataas sa 6.03 metro upang talunin ang kasalukuyang world record ni Duplantis ng isang sentimetro.
Sa gitna ng hinayawan ng mga tao, ang nag-iisang Filipino at Asian na miyembro ng elite 6-meter club, ay gumawa ng tatlong pagtatangka subalit hindi nakaabot sa taas.
“I am happy. I still have more left in the tank and want to jump six meters indoors. The spectators pushed me, it was a lot of fun again here at the ISTAF INDOOR. Unfortunately, I ran out of strength at 6.03 meters,” pahayag ni Obiena sa isang interview ayon sa ulat ng ISTAF Berlin.