DAHIL sa iniindang sakit ng kanyang L5 vertebra, inanunsyo ni Ernest John “EJ” Obiena sa kanyang social media na maaga niyang tinatapos ang 2024 pole vault season.
Ang world no. 3 pole vaulter ay makakita sana sa tatlo pang kumpetisyon — ISTAF Berlin, Zurich Diamond League at Diamond League final sa Brussels, Belgium.
Maging ang kompetisyon ng Philippine Pole Vault na nakatakda sana sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle
Gardens sa Makati ay maaaring ibasura na, bagama’t sinabi ni Obiena na may nga impormasyon silang ilalabas sa susunod na mga araw.
Sa kanyang social media post, sinabi niyang: “I am sorry to announce that I must call a premature close to my 2024 season. I intended to compete in three more competitions before flying back to Manila. However, during the Silesia Diamond League this past weekend, the same back pain that has bothered me all season flared up. Due to the continual spasms, I couldn’t finish my last few attempts.”
Nakopo ni Obiena ang ikalimang puwesto sa Silesia event, kung saan tulad ng inaasahan ay nadomina ito ni Armand Duplantis ng Sweden sa pamamagitan ng isa pang record-breaking na pag-clear sa 6.26 meters at sinira sariling record na 6.25 meters sa Paris Olympics.
Ayon kay Obiena, nakita sa magnetic resonance ang tila isang stress fracture sa kanyang gulugod.
Kinumpirma rin ito ng isa pang computerized axial tomography scan.
Ang L5 vertebra ay ang huling seksyon ng lumbar spine at ang pinsala sa L5 spinal nerve bundle ay
maaaring maging sanhi ng pamamanhid at panghihina sa mga binti, ngunit ang lawak ng mga sintomas ay nag-iiba sa bawat kaso, ayon sa spinalcord.com.
“To avoid worsening the fracture, I shall prudently cancel my season. Hopefully, now that I’ve identified the source of my back problems this year, with the required four weeks off to heal, I’m hoping to return pain-free and ready for the 2025 indoor season,” paliwanag ni Obiena.
Habang nakikipagkumpitensya si Obiena sa Paris Olympics, kung saan pumuwesto siya bilang pang-apat, ay paulit-ulit umano itong sumasakit. Gayunman, tumambla pa rin siya sa ikatlong puwesto sa katatapos na Wanda Diamond League sa Lausanne, Switzerland noong
nakalipas na linggo.
“The best thing to do right now, with ensuring my best future, is to rest and recuperate and come back even stronger,” pangako ng 29-anyos na si Obiena. (SS)