EDCA, WITHIN SOVEREIGN RIGHT OF THE PHILIPPINES-SEC. GALVEZ

NILINAW kahapon ni Defense Secretary Carlito Galvez na ang pagpapairal ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay bahagi ng kapangyarihan o sovereign rights ng isang bansa kaugnay din sa pagpapalakas ng kakayahan nitong ipagtanggol ang estado.

‘At the outset, let me point out that defense capability building is within the sovereign right of every country, and in the pursuit of that right the DND has been and will always remain consistent in its position that all engagements with the US as well as other foreign partners must be conducted in accordance with the Philippine Constitution and other national laws,” ani DND Sec. Galvez.


Paliwanag ng kalihim, sa pagbalangkas ng EDCA ay kabilang sa mga pangunahing layunin nito na makabuo ng sarili nating mga base at pasilidad alinsunod sa pangkalahatang pagsisikap na pahusayin ang postura sa depensa, lalo na ang kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at emergency.

Sinasabing sa pakikipagtulungan sa US, ang EDCA ay siyang magpapabilis sa pagtatayo ng mga pasilidad at pag-upgrade ng imprastraktura na direktang makatutulong sa pagpapahusay ng mga kakayahan ng hukbong sandatahan .

Bukod pa ito sa magsisilbing imbakan o pabahay para sa mga ari-arian at materyal na ilalagay sa mga napagkasunduang lokasyon na may pahintulot mula sa Pilipinas na siyang sinasaad sa mga probisyon ng EDCA.


Ang mga naka-preposition na kagamitan na iimbak sa mga napagkasunduang lokasyon ay sinasabing magpapalakas sa kakayahan ng military na agad na makapaghatid ng humanitarian assistance sa mga lugar na apektado ng kalamidad bukod pa sa pagsusulong ng mas mabilis na reaction time sa panahon ng mga sakuna, emerhensiya, o contingencies.

In terms of personnel, no less than US Secretary of Defense Austin reiterated during our recent joint press conference that EDCA is not about permanent basing in the Philippines, which is forbidden by the Philippine Constitution, but rather a collaborative agreement that will allow our allies access to training opportunities with Philippine personnel on a rotational basis for the purpose of enhancing interoperability and mutual capacity building between Philippine and US forces, paliwanag pa ni Galvez.


Sinabi pa ng kalihim na hindi dapat na ikabahala ng sinuman dahil maaari ding itong magdulot ng economic investment sa bansa, joint protection at preservation ng maritime and natural resources.

“The Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) is a collaborative agreement between the United States and the Philippines that enables both countries to increase joint training opportunities, humanitarian assistance and disaster response (HADR) capability, and rotational activities to strengthen interoperability between our armed forces, ito naman ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines.


Nais naming bigyang-diin na ang umiiral na limang napagkasunduang lokasyon sa ilalim ng EDCA at ang karagdagang apat na bagong mga site ay mga pasilidad na magkakasamang patatakbuhin ng US at Philippine forces upang mapadali at mapabilis ang pagpapatupad ng mga programa na magpapahusay sa ating kooperasyong pang seguridad, magkasanib na pagsasanay, at HADR operasyon. Ang pagtatatag o pagpapahusay ng mga kasalukuyang pasilidad ay popondohan ng US Government at ibibigay sa Gobyerno ng Pilipinas pagkatapos nitong gamitin, paliwanag naman ni AFP Spokesman Col Medel Aguilar. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Defense Secretary Carlito Galvez

You May Also Like

Latest News