BINISITA kahapon nina Department of National Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro at bagong Armed Forces chief of Staff General Romeo S Brawner ang Lal-lo Air Base sa Cagayan na isa sa apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kasabay ng pagbisita nina Sec Teodoro at Gen Brawner ang pagtiyak na maihahatid ang mga kinakailangan relief goods para sa mga mamamayan sa dulong hilaga ng Luzon na sinalanta ng bagyo at habagat nitong nakalipas na linggo partikular sa Calayaan Islands.
Personal na inspeksyon ng kalihim ang Lal-lo Air Base, na kabilang sa additional EDCA sites na napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Mutual Defense Treaty –Visiting Forces Agreement.
Ayon kay Teodoro dahil sa nangyaring kalamidad ay personal niyang nasaksihan ang mahigpit na pangangailangan na maisa-ayos ang mga pasilidad at mapaganda ang nasabing paliparan na nagsisilbing logistic base para sa Philippine Assets at maging sa US air asset na tumutulong ngayon sa isinasagawang Humanitarian Assistance and Disaster response.
Kasalukuyan itong ginagamit bilang refueling site ng mga sasakyang panghimpapawid ng dalawang bansa.
“Ngayon ang leksyon dito kailangan mapabilis namin ang paggawa nitong Philippine base na ito with EDCA facilities upang sa ganun makapreposition tayo ngayon ng equipment, air assets hindi lamang ng Philippine Air Force kundi pati United States air force, ngayon kung makikita nyo ang operational limitation nila ay nakikita nyo dyan ay barrels pa ang pagkarga ng fuel, for both phil assets and the united states air assets.”
Sinabi pa ng kalihim na …”, I saw for myself the need to speed up the development of these Philippine bases in order to serve a total national security picture of our country and in the other four sites
Kinakailangan umanong mabilis na makapagpatayo ng mga bagong pasilidad upang mapabilis din ang kanilang operational tempo. Kaya kailangan mapabilis pa ang development sa limang naunang EDCA sites at apat pang karagdagang sites .
Kasabay nito ay pinasalamatan ni Gibo ang kanilang US partners sa mabilis na pagtugon dahil halos lahat ng air asset ng Pilipinas ay ginagamit ngayon sa HADR sa buong bansa.
Nabatid na magdadala ng 10 pallets o 1,300 food packs sa Fuga at Calayan Islands ang dalawang opisyal, kung saan isa ito sa mga matinding hinagupit nang nagdaang Bagyong Egay.
Una nang nagdala ng 5,000 kilo ng tubig at pagkain ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang United States Marine Corps sa Batanes na isa rin sa mga lugar sa bansa na hinagupit ng bagyo.