Latest News

EDCA IN ACTION, US, NAGBIGAY NG P84-M PARA SA TS KRISTINE VICTIMS

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGSIMULA nang gamitin ng pamahalaan ang ilang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa pinaigting na Humanitarian Assistance and Disaster Response para mabilis na makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine.

Ito ay kasunod ng pagkakaloob ng United States of America ng P84 million na tulong para sa mga nasalanta ng bagyo .

Samantala, nagpalabas naman ng pakikisimpatiya si US State Department Spokesperson Matthew Miller: “Our sincere condolences to the people of the Philippines for the loss of life and destruction caused by Tropical Storm Trami (Kristine). We are providing immediate humanitarian aid for those affected through, ani Miller.”


Sa inilabas na kalatas ng US Embassy in Manila, inihayag ang pagkakaloob ng United States government ng P84 million ($1.5 million) para suportahan ang pagtugon ng Philippine government sa epekto ng Tropical Storm Kristine, na may international name na Trami.

Ang nasabing pondo ay nagpapalakas sa sinasagawa ngayong lifesaving assistance ng U.S. Agency for International Development (USAID) na makakatulong naman sa mga taong lubhang naapektuhan ng bagyo sa Bicol region at lalawigan ng Batangas para makabangon agad nang ligtas at may dangal.

Una rito ay nag-mobilisa ang United States Agency for International Development (USAID) ng 50 trucks upang magpadala ng family food packs at relief items sa 425,000 apektadong indibidwal, partikular sa Bicol.

Bago into ay ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paggamit ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para sa airlift operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Tags: U.S. Agency for International Development (USAID)

You May Also Like

Most Read