May ipinost na black and white photo si Jericho Rosales sa kanyang Instagram account.
First time na nag-post ang aktor sa kanyang socmed after nakumpirmang split na sila ni Kim Jones noon pang 2019.
Simpleng caption lang ang sinulat ni Echo: “hmmm ramen” and a thought balloon emoji.
Nasorpresa ang followers ng aktor nang magkomento ang ex-wifey niya: “mmmnn ramen.”
Sabagay, nang kumpirmahin naman ng kanilang ninong sa kasal na si Ricco Ocampo last Monday, sinabi niyang nanatiling magkaibigan ang dalawa.
Nasambit nga ni Echo na silang dalawa ni Kim are “amazing.”
Huling nakitang magkasama sina Echo at Jones ay sa ABS-CBN Ball last October 2023.














