Ebidensya ukol sa anomalya sa FDA, ilabas — DOH

NANAWAGAN si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa mga kumpanya ng gamot na lumantad at maglabas ng mga nalalaman ukol sa ibinabato ngayon na anomalya sa Food and Drug Administration (FDA) na isiniwalat sa Senado.

Kung may makapaglalabas umano ng sapat na ebidensya, nangako si Vergiere na agad na magsasagawa ng imbestigasyon sa FDA upang mahalungkat ito ng tuluyan.


“The Food and Drug Administration being an office under the Office of the Secretary of Health, we are open to these kinds of issues that are being thrown at us,” ayon kay Vergeire.

Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng DOH nitong Nobyembre 18, nabanggit ni Senador Raffy Tulfo ang alegasyon ng korapsyon sa FDA kung saan nanghihingi umano ang mga opisyal nito ng P5 hanggang P20 milyon sa mga pharmaceutical companies para mapabilis ang proseso ng Certificate of Product Registration (CPR) ng kanilang mga produktong gamot.

“But we request also that if this pharmaceutical company really have evidence to provide, please submit it to the Office of the Secretary so that we can be able to investigate it at once and we can address it and provide appropriate measures against those who are in violation,” panawagan naman ni Vergeire.


Importante umano ang ebidensya para madetermina ng kagawaran ang susunod nilang aksyon. Handa umanong maghintay ang Office of the Secretary ng DOH sa isusumiteng mga ebidensya sa mga susunod na araw. (Anthony Quindoy)


Tags: Maria Rosario Vergeire

You May Also Like