EARTHQUAKE DRILL, GAGAWING FACE-TO-FACE

INIHAYAG ng Office of Civil Defense (OCD) ang planong pagbabalik ng face-to-face activities para sa nakatakdang 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Setyembre 8.

Ayon sa OCD, ito ang magiging kauna-unahang physical drill at functional activities simula nang sumailalim ang bansa pandemiya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Marso 2020.


“Matapos ang mga nagdaang online NSED dulot ng pandemya, ngayong third quarter ng taon ay muli nang ibinabalik ang pagsasagawa ng physical drill at functional exercise,” pahayag ng OCD.

Gayunman, pinaalalahanan ng OCD ang publiko at lahat ng magpapartisipa na patuloy sumunod sa lahat ng umiiral na minimum health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Office of Civil Defense (OCD)

You May Also Like

Most Read