Latest News

EAMC, handa na sa mpox PCR testing

By: Philip Reyes

Naghayag ng kahandaan ang East Avenue Medical Center (EAMC) na magsagawa ng Mpox PCR testing o sumuri ng mga bagong kaso ng Mpox.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang publiko na magpatingin muna sa doktor bago magpa-testing laban sa sakit.

Ipinaliwanag ni Herbosa na limitado lamang ang testing kits para sa Mpox kaya’t ang mga doktor ang siyang tutukoy kung kailangan ba ng isang pasyente na magpa-testing pa laban dito.


Nabatid na bukod naman sa EAMC, may iba pang subnational laboratory na magsasagawa na rin ng Mpox testing at kasalukuyang sumasailalim sa training para sa reactivation.

Ito ay kinabibilangan ng Baguio General Hospital, Lung Center of the Philippines, San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Medical Center, Southern Philippine Medical Center, Western Visayas Medical Center at Bicol Medical Center.

Tags: East Avenue Medical Center (EAMC)

You May Also Like

Most Read