TODAS ang isang e-trike driver matapos na barilin ng limang beses ng isang gunman nakasakay sa isang scooter habang kinukumpuni ang kanyang sasakyan, kamakalawa ng hapon sa isang basketball court sa Tondo, Maynila.
Nabatid na unang naiwasan ng biktimang si Alshock Tayo,36 at residente ng 831 Mercado St. Tondo, Maynila,ang dalawang unang putok mula sa gunman.
Nakatakbo umano ang biktima pero hinabol ito ng suspek at tatlong beses pa ulit pinaputukan hanggang bumagsak sa sementadong kalsada.
Naganap umano ang insidente alas 2:02 sa basketball court sa may Mercado St. Habang nagkukumpuni ng kanyang e-bike ang biktima.
Mabilis naman tumakas ang suspek sakay ng isang kulay pink na scooter patungo sa direksiyon ng Dagupan St.
Habang mabilis naman isunugod sa Tondo Medical Center ang biktima pero binawian rin ng buhay.
Patuloy naman inaalam ng Manila Police District-homicide section ang motibo nang pagpaslang sa biktima.