Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 2 ang isang 31-anyos na e-trike driver matapos murahin at pagbantaan ang mga nanitang pulis sa kanya, kahapon ng hapon sa Juan Luna St. corner C.M. Recto Ave. Brgy. 9, Zone 1, Tondo, Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD-PS2 ang suspek na si Abraham Fernandez alyas Anra,ng No. 1320 A19 C.P Garcia St. Brgy. 123, Zone 9, Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ni Pat. Jonathan Abad, nangyari ang insidente alas-4:20 ng hapon sa nabanggit na. lugar.
Napag-alaman na nakita umano ng mga pulis na iligal na nakaparada ang e-trike ng suspek sa isang ‘ no parking zone’ kaya inatasan nila ang suspek na alisin ang kanyang e-trike dahil nakakaistorbo ito sa daloy ng trapiko.
Gayunman, sa halip na sumunod ay hindi ito inalis ng suspek at pinagmumura pa at pinagbantaan ang mga pulis, dahilan para siya ay arestuhin.
Sinampahan ng. kasong paglabag sa Articles 148 (Direct Assault) at 151 nh RPC (Resistance and Disobedience to Person in Authority) sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek.














