LUMILITAW na talamak pa rin ang operation ng mga illegal E-Sabong sa Pilipinas kung ibabase sa datos ng Philippine National Police.
Sinasabing base sa crime incident reporting and analysis system ng PNP ay laganap ang online Sabong sa Luzon at Visaya.
Mula nang manungkulan si pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay nasa 1,245 indibidwal na sinasabing sangkot sa online or E-sabong ang naaresto ng PNP .
Ito ay batay sa inilabas na datos mula sa Philippine National Police (PNP) kamakailan.
Ang nasabing bilang ay resulta ng inilunsad na anti illegal gambling operation ng PNP mula sa Hulyo 1, 2022 hanggang Agosto 15, 2023 ayon sa crime incident reporting and analysis system ng pambansang pulis.
Sa nabangit na 1,245 na nadakip , nasa 322 ang nahatulan na habang ang nalalabi naman ay sumasailalim sa trial sa korte o kaya naman ay nakahain sa prosecutors office para sa kaukulang legal action.
Tiniyak naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na tuloy tuloy ang kanilang operation laban sa mga E-Sabong at pagbuwag sa mga online Sabong na una ng idineklarang ilegal.














