HIGIT pang lumakas ang kandidatura sa pagka-Pangulo ng bansa ni Aksyon Demokratiko standard bearer at at Manila Mayor Isko Moreno, matapos maglipatan sa kanyang kampo ang mga kilalang Duterte die-hard supporters (DDS) at mga ‘naulilang’ kandidato ni Senator Bong Go.
Nitong Martes lamang, ang officers at members ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), na nagpanalo kay President Rodrigo Duterte noong 2016 elections, ay pormal nang lumipat at nagbigay ng suporta sa presidential bid ni Moreno.
Nauna dito, ang die-hard Duterte supporter actress na si Vivian Velez ay lumipat na rin kay Moreno at ngayon ay aktibo sa pagmo- mobilize ng kanyang grupo upang ikampanya si Moreno. Si Velez presidente ng Film Academy of the Philippines.
Si dating Agrarian reform Secretary John Castriciones na siyang presidente ng MRRD ay pormal na nagpahayag ng suporta ng grupo sa proclamation rally ng Aksyon Demokratiko party na opisyal na nagpasimula ng 90-day campaign para sa mga national candidates.
“In my capacity as president of the MRRD-NECC, we manifest our strong support for the candidacy of Mayor Isko Moreno Domagoso. Ngayong election na ito, amin pong sinusuportahan ang kandidatura ni Mayor Isko Moreno, ang susunod na presidente ng ating bansa,” pahayag ni Castriciones.
Maliban kay Castriciones, ay naroon din ang mga officials at members ng MRRD-NECC sa Kartilya ng Katipunan kung saan ginawa ang proclamation rally.
Sinabi ni Castricciones, na dating Duterte Cabinet member, na ang suporta ng kanilang grupo kay Moreno ay walang kinalaman sa kanyang kandidatura bilang senatorial candidate sa ilalim ng Cusi wing of PDP=-Laban.
“Ako po ay tumatakbong senador. Pero ngayong hapon na ito, nandirito ako hindi para mangampanya para sa aking sarili. Ako po ay nandirito ngayon para suportahan ang kandidatura ni Mayor Isko Moreno Domagoso,” pagkaklaro nito.
Ayon pa sa dating Duterte Cabinet member, nagpasya silang ibigay ang suporta kay Moreno matapos na ikunsidera ang platform of governance nito na kabilang ang pagpa- prioritize ng agriculture.
“We ought to know that agriculture is the last frontier of our survival. Now that we are experiencing the ill effects, the onslaught of the pandemic, we should try to support agriculture, because without agriculture, we will not have food sufficiency,” pagbibigay diin ni Castriciones.
“As a secretary of the Department of Agrarian Reform, I had the opportunity to talk with Mayor Moreno in order to ask him about his position regarding agriculture. You know my friends, this is the opportune time for us to really support this man, because he has a very clear policy when it comes to agriculture,” sabi pa ni Castriciones.
Samantala, nitong Miyerkules ay si Mayor Dennis Tom Hernandez naman ang lumipat at nagbigay ng suporta kay Moreno matapos na siya at ilang political leaders ay inulila ni Sen Go nang umatras ito sa presidential race.
Si Hernandez, na tatakbo sa pagka-mayor sa ikalawang term at aktibong supporter ng Go na nagpanalo sa kanya sa Southern Tagalog town noong 2019 senatorial race. Ang Municipality ng Rodriguez ay may 209,000 registered voters at panibagong district ng Rizal province.
Nitong Miyerkules sa ikalawang araw ng 90-day campaign para sa national posts, ay nagtungo si Moreno sa Rizal province at binisita ang Rodriguez at San Mateo kasama si vice presidential candidate Doc Willie Ong at Aksyon senatorial bets Dr. Carl Balita, Samira Gutoc and Atty. Jopet Sison.
“Hinahangaan ko po ang Manila. Sa totoo lang, noong nakaraang buwan ay Bong Go po kami. Pero dahil umatras si Bong Go, binigyan po kami ng laya ni Governor (Nini Ynares) kung sino po gusto naming piliin. Ikaw (Isko) po ang laya namin. Siyempre po, tayong mga magulang, iniisip natin ang future ng ating mga anak. Kaya po nakikita ko sa inyo, galing po kayo sa hirap, naiintindihan niyo po ang sentimyento ng ating mga kababayan,” ayon kay Hernandez.
“Mayor Isko, kung sa Maynila ay nasasanla ang laway mo, dito sa Rodriguez ay puwede ring isanla ang laway ko,” sabi pa ni Hernandez na nangakong ikakampanya niya si Moreno sa kanyang munisipalidad. (PHILIP REYES)