Duterte, pupunta sa WPS matapos magretiro

Pupunta umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa West Philippine Sea (WPS) pagkatapos niyang mag-retiro sa pulitika sa Hunyo 30.

Ayon kay Duterte ,umaasa siya na isasakay siya ng Philippine Coast Guard (PCG) para dalhin sa pinag-aagawan na WPS.


“Someday I could maybe ride with the Coast Guard to see. Maski na civilian na ako, I hope that you can invite me to ride with you and hindi naman ako. It does not have any ramifications because civilian na ako. And I could maybe ride with you diyan sa West Philippine Sea,” ani Duterte.

“It is a gamble. But you know you have at one time in our national life that we have to assert what is ours,” dagdag ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na sa kabila na kaibigan niya si Chinese President Xi Jinping, kinakailangan ng Pilipinas na idepensa ang ating karapatan sa WPS.



“Kaibigan ko si President Xi Jinping and we have talked a lot in so many visits that I did in the past years. Pero I made it clear to him na we cannot give up sovereignty over the waters sa [West] Philippine Sea, including the exclusive economic zone because that is vital for our national life,” giit pa ni Duterte.

Ayon pa kay Duterte, lumalaki ang populasyon at dapat natin panatilihin ang kapayapaan maging ang food security .


Samantala, inamin ni Duterte na mahihirapan ang bansa kapag humaba pa ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine. (Anthony Quindoy)



Tags: Pangulong Rodrigo Duterte

You May Also Like