TULOY ang paggamit ng face mask kahit bumaba na ang kaso ng kontaminasyon ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Baybay City, Leyte nitong Biyernes Santo para personal na makita ang kalagayan ng mga nasalanta ng bagyong Agaton.
Sinabi ng Pangulo na hanggat siya ang Presidente ay tuloy ang paggamit ng face mask dahil ito ang isa sa nagbigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
“While I’m President, continue to use your masks because this has given us protection. I don’t want you to stop wearing your masks,” anang Pangulo.
Kung hindi aniya nito iniutos ang paggamit ng face mask ay mataas sana ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa.
Hindi aniya madaling makapasok ang virus sa face mask kaya mayroong proteksyon kapag nagsuot nito.
“Because you are using masks, the virus can’t easily penetrate through the material. It’s not like a crab that…it gives you protection,” dagdag ng Pangulo.