DUTERTE, 2 PINAAGPIPILIAN PAG DI NA-EXTEND ANG TERMINO NI GEN. CARLOS

MAY dalawang Senior Police General ang maaring hirangin na bagong Philippine National Police chief sakaling magpasya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na palawigin pa ang termino ni outgoing PNP chief Police General Dionardo Carlos .

Si PGen. Carlos ay nakatakdang mag-retiro sa Mayo 8, isang araw bago ang May 9 presidential and local elections, matapos na umabot sa mandatory retirement age na 56.


Sinasabing nagsumite na umano si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng mga police official na maaaring maging susunod na pinuno ng PNP kapalit nang magreretirong si PGen. Dionardo Carlos.

Ayon kay Año, ang kanyang shortlist ay naglalaman lamang ng pangalan ng dalawang police officials.

“I have already submitted my recommendation on Tuesday to the President alongside with the National Police Commission (NAPOLCOM Resolution 2022-0236. I have submitted the names of two senior police officials who may be designated by the President as the replacement of Gen. Dionardo Carlos in an acting capacity upon his retirement on May 8, 2022,” pagkumpirma pa ni Año.


Nabatid na kabilang sa mga opisyal na maaaring pumalit kay Carlos ay sina PNP deputy chief for administration Lt Gen. Rhodel Sermonia na No. 2 man ng PNP at Lt. Gen Vicente Danao, na No. 4 man ng PNP at hepe ng PNP Directorial Staff.

Ang No. 3 man ng PNP na si PLt. Gen. Ferdinand Divina, deputy chief for operations, ay nakatakda nang magretiro sa Mayo 2.


Samantala, sa posibilidad na irerekomenda ng kalihim ang pagpapalawig ng termino ni Carlos, sinabi ni Año na kailangan muna niya itong i-assess at hintayin ang kautusan ng pangulo.

“Possible pa din ang extension, discretion pa din ni Pangulo,” anang DILG chief. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police

You May Also Like