Hindi pabor si Health Secretary Francisco Duque III na isara ang borders ng bansa kasunod nang banta sa monkeypox virus.
“‘Yung pagsasara ng borders or stricter border control, hindi pa yan dapat gawin sa ngayon, ano?” ayon kay Duque.
Sinabi ni Duque na ang hakbang na ipinarutupad sa ngayon ng DOH ay istriktong surveillance.
Bukod pa sa pakikipag ugnayan sa
World Health Organization (WHO).
Inatasan rin ni Duque ang Bureau of Quarantine nai-monitor ang mga pasahero mula sa mga bansa na may na detect na monkeypox ,gaya ng Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe, at North America.
Wala pa naman na detect na monkeypox virus sa Pilipinas.
Sinabi ni Duque na ang hawaan ng monkeypox ay hindi katulad sa COVID19.
“Kasi ito ang mode of transmission nito, direct physical contact. So tao sa tao, skin to skin. Pagka halimbawa, meron source yung bodily fluids, may exchange of bodily fluids… puwede din daw may sexual transmission,” ani Duque.
“’Yan yung nana, yung dugo, kailangan magkalipatan,” dagdag ni Duque.
Kabilang umano sa sintomas ng monkeypox ay ang lagnat,rashes,namamagang lymph nodes.
Ang naturang virus ay hindi gasinong nakakahawa at nagdudulot ng malalang sakit kumpara sa smallpox. (Arsenio Tan)