Latest News

DUMP TRUCK DRIVER NILIKIDA

BLANGKO pa ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng salarin na lumikida sa isang 39-anyos na dump truck driver sa Butuan City.

Ayon sa Butuan City Police Station, patay sa pamamaril ang biktimang si Albert Martin G. Macasmot, 39, driver ng Dorico Construction at residente sa Purok-1, Barangay Doongan, Butuan City.


Sa paunang imbestigasyon pasado alas 4:58 sa hapon ng barilin ng hindi pa nakikilalang salarin si Macasamot sa may Purok-14, Barangay Baan Km-3, Butuan City.

Sinasabing papauwi na sana ang biktima sakay ng single motor at naka-helmet pa ng pagsapit sa isang intersection ng national highway sa nasabing lugar ay pinaputukan ito ng nag aabang na suspek.

Bumagsak ang biktimang sakay ng kanyang single motorcycle at nakatakbo pa ito ng ilang metro ngunit hinahabol ng mga suspek at muling pinagbabaril saka tumakas sakay ng motorsiklo./


Dinala pa ang biktima sa Butuan Medical Center ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Niko Aspirin.

Patuloy na sinisiyasat ang kaso para ,matukoy ang motibo sa likod ng krimen at posibleng kakikilanlan ng mga salarin.(VICTOR BALDEMOR)


Tags: Albert Martin G. Macasmot

You May Also Like