By: Tony Gildo
Kinumpirma ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na sasailalim pa sa limang araw na regular Quarantine Cell sa Reception and Diagnostic Center (RDC) si dismissed pulis officer Rafael Dumlao matapos mailipat sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Catapang na bahagi ito sa mga protocol ng BuCor upang pangalagaan ang kalusugan at seguridad ng mga PDL, at matiyak ang maayos na pagsasama sa corrections system.
Maingat umanong susuriin ng medical team ang pisikal at mental health ni Dumlao, upang matukoy ang anumang mga kapansanan o mga isyu sa kalusugan ng isip nito upang mabigayan ng atensyon kung kinakailangan.
Sinabi ni Catapang na kapag nakumpleto na ang quarantine, ililipat si Dumlao sa isang regular na selda ng itinalagang tagapangasiwa.
Dagdag pa ni Catapang na sa pamamagitan ng maselang pamamaraang ito, layunin ng Bureau of Corrections na mapanatili ang kaayusan, seguridad at kapakanan ng lahat ng mga preso na nasa ilalim ng pangangalaga nito.
Si Dumlao ay pinawalang-sala sa pagpaslang kay South Korean businessman Jee Ick-joo. Binaligtas ito ng Court of Appeals at kalaunan ay kinumpirma ng Korte Suprema na siya ay guilty. Inaresto siya nitong Martes sa Quezon City.














