Dumayo sa pagbili ng yosi, sinakyod

INOOBSERBAHAN sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 38-anyos na lalaki matapos saksakin sa likuran nang dumayo sa pagbili ng sigarilyo, kahapon ng madaling araw sa Sto. Niño St., Tondo,Maynila.

Isinugod sa pagamutan ang biktima na si Edmundo Salvador y Baldisimo, 38 at residente ng 1283 Mithi Street Brgy 41 Tondo, Maynila dahil sa tama ng saksak sa likurang bahagi ng katawan.


Naaresto naman matapos na makipaghabulan sa mga nagpapatrulyang tauhan ng Manila Police District-Police Station 1 ang suspek na si Shellan Basilides y Lusant, ,29, at residente ng 43 Sto Niño Street Brgy 107 Tondo, Maynila.

Ayon sa saksi, alas -2:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang bumibili ng sigarilyo ang biktima sa tindahan.

Nilapitan umano ng suspek ang biktima at sinaksak sa likuran bago tumakas patungo sa Sto.Niño Street.


Nagkataon na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Don Bosco Police Community Precinct at nakita ang insidente kaya hinabol ang suspek hanggang sa ma-korner.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen. (Carl Angelo)


Tags: Jose Reyes Memorial Medical Center

You May Also Like