HINDI kailanman dapat na magkaroon ng kakapusan ng dugo para sa mga sundalong nasugatan sa pagseserbisyo sa bayan at maging ang mga sibiliyan na kanilang sinumpaang ipagtanggol, kaya’t naglunsad ng sagip-buhay program ang Philippine Army at maging ang 1ST Civil Military Affairs Group, Civil Military Affairs Brigade AFP Reserve command na nagsasagawa ngayon ng kanilang bloodletting Program.
Ayon kay Lt Col. Roberto S. Almario, Philippine Army (Res.) naatasan silang magkaloob ng tulong sa manpower at humanitarian assistance sa inilunsad nilang : “Laang Kawal Ako; Dugo Ko Alay Ko Sayo, Bloodletting Program sa Tala Hosptal sa Tala Caloocan sapakikipagtulungan ni Dr.Victorino H Famaran jr.
Pahayag pa ni Col. Almario, layunin ng kanilang programa na ipakita sa sambayanan na mahalaga sa kasundaluhan ang bawat buhay at isulong ang kanilang slogan na “AFP Cares for Every Juan”
Nilinaw ni Nellie Salanguit-Ababon ng AFP-DWDD Radio Serbisyong Bayan na hindi lamang sundalo ang matutulungan sa kanilang ginagawang pangangalap ng dugo dahil maging ang mga sibilyan na may biglaang pangangailan ay matutugunan din ang pangangailangan sa dugo.
Lalo na umano ngayon panahon ng dengue, maraming ang nangangailangan ng dugo bukod sa mga sundalo ay may mga sibilyan din na sumasailalim sa maseselang operasyon ang laging naghahanap na blood donors at ditto papasok ang blood letting program ng Armed Forces of the Philippine Reserve Command-Civil Military Affairs Brigade ani Nellie Salanguit-Ababon.
Una nang nakalikom ng 14,850 cubic centimeter (cc) ng dugo mula sa 33 sundalo ang Philippine Army sa kanilang inilunsad na bloodletting program para mas uplementahan ang blood bank supply ng Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City para sa mga sugatan sundalo atb maging mga beterano. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














