DI maaring magpalabas ng kautusan ang National Telecommunication (NTC) na nag-aatas sa mga telecommunications (Telco) companies ng pagtaas o panibagong ‘rates’ nang hindi sumasailalim sa due process.
Ayon sa ruling ng Supreme Court (SC) Second Division na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, isina-isantabi nito ang NTC orders na nagpapatupad ng bagong billing scheme sa telco companies.
Napag-a laman na noong 2009, ang NTC ay nagpatupad ng ‘six-second-per-pulse billing scheme’ sa voice calls, na nag- oobliga sa telco companies na i-charge ang mobile phone users para lamang sa actual usage.
Bago ang naturang kautusan, ang mga telco companies ay naniningil sa mga user ng kada minuto, kung saan kahit pa wala pang isang minuto ay awtomatikong sinisingil bilang isang minuto.
Kalaunan, ang NTC ay nag-isyu ng ‘show cause order’ laban sa telco companies na kinabibilangan ng Globe Telecom, Inc. at Innove Communications, Inc.; Smart Communications, Inc.; Connectivity Unlimited Resource Enterprises, Inc.; at Digitel Mobile Philippines, Inc., dahil sa hindi nila pagsunod sa direktiba.
Nag-isyu rin ang NTC ng ‘cease and desist orders’ para pigilin ang mga telco companies sa paniningil sa kanilang subscribers gamit ang lumang billing system.
Kinuwestiyon ng telco companies ang order sa Court of Appeals, at sinabi nila na lumabis sa kanilang awtoridad ang NTC para mag-regulate ng rates at paglabas umano ng bagong billing scheme sa karapatan sa due process.
Kinatigan ng SC ang desisyon ng CA at isina-isantabi ang kautusan ng NTC .
Sa kabila na ang NTC, sa ilalim ng Republic Act No. 7925 o ang Public Telecommunications Policy Act, ay may kapangyarihan na i-regulate ang rates, dapat umano na ito ay balanse sa pagitan ng customer at telco companies.
Dapat umano na rasonable at may basehan ang rates at dapat na i-cover ang gastos sa business operation at ang datos ay dapat ding dumaan sa konsultasyon sa mga telco companies.
Sinabi pa ng SC na hindi maaring.magtakda ng rates ang NTC nang Hindi pinapayagan ang mga telco companies na maihayag ang kanilang hiningan at humiling ng rekonsiderasyon.