DTI, MAY ALOK NA LOAN SA MSMEs NA APEKTADO NG LINDOL SA MINDANAO

By: Tony Gildo

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na handa itong umalalay sa Micro, Small at Medium Enterprise na apektado ng lindol sa Mindanao


Sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque na handa silang mag-alok ng loan sa mga MSME na nais makabawi sa negosyo matapos ang lindol.

Meron ding Enterprise Rehabilitation Financing o ERF Program kung saan maaaring makapagbigay ng hanggang P300,000 na loan ang DTI sa mga maliliit na negosyo.

Sa ilalim ng rehabilitation fund, sa unang taon ay walang interes na babayaran ang mga negosyante sa kanilang loan at sa panagalawa at ikatlong taon ay nasa one percent lang ang monthly interest.


Sisiguruhin din umano ng ahensiya na hindi mahihirapan ang mga MSMEs na muling makapagsimula ng negosyo lalo na sa panahon ng sakuna.


Tags: Department of Trade and Industry (DTI)

You May Also Like