DSWD, 24/7 ang trabaho

Nagta-trabaho umano ng 24/7 ang Department of Social Welfare and Development(DSWD) at iba pang kaukulang ahensiya para matugunan ang pangangailangan ng mahihirap ngayon at pagkatapos ng holidays.

“Etong nakaraan na siguro anim na buwan ay busying-busy ‘tong mga ito dahil ang daming dumaan dito sa Pilipinas. May bagyo, nagkalindol pa tayo sa Abra, kaya’t siguro masasabi natin isa na ito sa mga agencies na 24/7 talaga ,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasabay papuri sa DSWD sa ginanap na gift giving sa mga mahihirap sa Open Ampitheater sa may Rizal Park sa Maynila.


“Hindi natutulog yung bagyo, hindi nagbabakasyon yung lindol, at yung flooding ay di nangingilala ng holiday kaya’t kahit papaano laging nandiyan yung mga ‘yan. Kaya’t maraming salamat sa inyo hindi lamang para sa ngayong event na ito kung hindi para sa lahat ng inyong ginawa at napakabuti dahil maraming-marami kayong natulungan ,”dagdag pa ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na ang konting tulong sa mga mahihirap ay hindi lamang tuwing araw ng Pasko dahil araw -araw ay iniisip nila kung paano patuloy na marutulungan.

Sa ginanap na gift-giving activity, nagpamahagi si Marcos ng Christmas gifts sa.may 400 bata at 574 indibiduwal at pamilya at ilang miyembro ng indigenous people (IP) na kinupkop ng 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila.


Naglalaman ang christmaa gift ng food packs, laruan at libro sa mga bata at sa mga adult naman ay 6 kilo ng bigas, grocery items, hygiene kits, at cash assistance na PHP10,000 mula sa Department’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Social Welfare and Development(DSWD)

You May Also Like