Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na lilinisin nila ang druglist ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Remulla ang pahayag para tuluyang malinis ang pangalan ng mga taong inilagay sa drug list pero mga inosente.
Nalaman na nakipagpulong si Remulla kay Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. Para magkaroon ng maayos na ugnayan ang dalawang departamento
Sa kasalukuyan,sinabi ni Remulla na masusi nilang binubusisi ang database ng gobyerno sa kanilang kampanyanlaban sa iligal na droga.
“We are busy collating data and the results of the investigations being conducted about the drug war,” ayon kay Remulla.
Ikinukunsideta umano nila ang mga reklamo ng mga taong nagsasabi na sila ay inosente pero nailagay sa drug list.
“We look at this as part of the intelligence information within the system. If it was properly validated before, then well and good, at least na validate na. Pero meron kasi dyan na were found to be innocent, kaya walang link. Yun dapat I clear, mahalaga ma clear mga taong inosente. Di ba yun naman pinaka problema natin ,”dagdag ni Remulla.
Nalaman na nilapitan na rin umano siya ng ilang indibiduwal na inilagay sa Bureau of Immigration travel lookout bulletin orders dahil ang kanilang pangalqn ay nasa druglost.
“Syempre dapat bigyan din hustisya ang mga tao na maligned ang kanilang pangalan, so clear namin ang mga tao na pwede i-clear ,” giit ni Remulla.
Una nang sinabi ni Marcos na siya ay magpu- gocus sa mga drug lord sa halip na sa mga small player. (Jaymel Manuel)














