AGAD na nasawi ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsikl, kahapon ng hapon sa may Taliba Street Barangay 127,Tondo, Maynila.
Batay sa inisyal na impormasyon ng Manila Police District -Police Station 1,ang biktimang si alyas Toto, edad 30-35m ay sakay umano ng kanyang Honda Click na motorsiklo nang pagbabarilin ng di nakikilalang suspek na nakasakay rin sa motorsiklo, alas- 4:25 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Namatay noon din ang biktima dahil sa tama ng mga bala sa katawan at ulo at ayon sa ilang residente sa lugar, kilala ang biktima na sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Samantala, patuloy naman ang backtracking operation ng MPD-PS1 sa posibilidad na matukoy ang salarin at ang motibo sa likod ng krimen.