DEAD-on-the-spot ang isang 47-anyos na lalaki kasunod ng isinagawang pamamaril sa Sitio Kadulang, Barangay Marigondon sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng madaling araw. Sinasabing isang drug personality ang nasabing lalaki.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), itinawag lamang sa LCPO Police Station 4 ang naganap na pamamaril.
Duguan at wala nang buhay nang datnan ng mga rumespondeng tauhan ng Police Station 4 ang biktima sa gilid ng kalsada, habang wala na rin sa lugar ang sinasabing bumaril sa lalaki.
Tumanggi namang ibigay ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na paksa ngayon ng manhunt at follow-up investigation.














