Latest News

DRUG PERSONALITY, ARESTADO; ?2M HALAGA NG SHABU AT BARIL, HULI SA BASILAN

By: Victor Baldemor Ruiz

TINATAYANG nasa 2 milyon piso ang halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy at Criminal Investigation and Detection Group 9 (CIDG-9) sa isang high value drug personality sa isinagawang joint law enforcement operation sa Barangay Sangbay “Small” Island, Hadji Muhtamad, Basilan Province.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Western Mindanao Command, inayudahan ng Naval Task Force 61, kabilang ang Patrol Gun Boat 901, Naval Special Operations Unit-6, Marine Battalion Landing Team-6, at naval intelligence units sa pakikipag ugnayan sa Joint Task Force Basilan, ang mga tauhan ng CIDG para sa inilatag na law enforcement operation laban sa bigtime drug dealer na si Yashin Mambun sa nasabing lugar.

Bukod sa Shabu nagresulta rin ang nasabing operation sa pagkakasamsam sa isang Cal 7.62 AK47 with magazine assembly at 26 rounds ng live ammunition, isang 9mm TEC-KG9 with magazine at 27 rounds ng live ammunition, isang holster, isang Colt MK IV Cal 45 pistol with magazine, at mga personal belongings.


Kasalukuyang nasa kustodiya na ang CIDG-9 ang nadakip na si Mambun at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa laboratory examination at proper disposition.

Tiniyak ng Western Mindanao Command na tuloy tuloy nilang susuportahan ang iba pang law enforcement agencies sa pagsupil sa kriminalidad sa western, central, at southern parts ng Mindanao. “We will continue to be reliable, relevant, and responsive public servants for the peace-loving people of Mindanao,” pahayag ni Philippine Army chief Ltgen Roy Galido.

Tags: hilippine Navy at Criminal Investigation and Detection Group 9 (CIDG-9)

You May Also Like

Most Read