DRUG DEN, SINALAKAY NG PDEA

ARMADO ng search warrant ay sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa San Carlos Heights Extension, Irisan, Baguio City. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng drug den maintainer at ilang iba pa.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang drug maintainer na si Marivic Rodriguez at ayon sa report ng mga operatiba kay PDEA CAR, REGIONAL Director Gil Castro, sinabi ni Villanueva na itinuturing bilang “high value target” ang suspek matapos nyang kunin ang bakanteng lote ng kanyang kapitbahay na si Federico Oliveros at ginawang drug market.


Kasamang naaresto sa operasyon sina Cheryl Asim ng San Vicente, Baguio City at sina Carlito Javier at Joel Sales na kapwa mula sa San Carlos Heights sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Baguio-Benguet PDEA CAR, NBI CAR, BCPO Station 9 ang droga na nagkakahalaga ng ?122, 000 at iba’t- ibang drug paraphernalia.

Ang mga naarestong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya na ng PDEA Jail Facilty ng CAR at sila ay nahaharap sa kasong Republic Act 9166 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read