DRUG DEN, NABUWAG, LIMANG DRUG PERSONALITIES, ARESTADO

By: Victor Baldemor Ruiz

WASAK ang isang drug den matapos na madakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang limang drug personalities sa ikinasang entrapment operation sa Barangay Curifang, Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Nueva Vizcaya Provincial Office, PDEA CAR-Kalinga Provincial Office, PNP DEG SOU2, Solano Police Stationm at PDEU-NVPPO, noong Marso 12, 2025 bandang alas-11:20 ng gabi.


Nasa humigit-kumulang 20 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may itinatayang halaga sa merkado na P136,000; humigit-kumulang 5 mL ng pinaghihinalaang marijuana oil na natagpuan sa dalawang vape cartridge; apat na cellular phone (tatlong Android at isang analog); at iba’t- ibang drug paraphernalia at perang ginamit sa buy-bust ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Kinilala ni PDEA Regional Director Charlene Magdurulang ang mga naarestong suspek na sina alyas Rex, 33; alyas Orly. 31, driver at residente ng Quezon, Solano. Naaresto din ang mga kababaihan na kinilalang sina alyas Dan, 19; alyas Gian, 28 at alyas Rob, 31, pawang taga-Curifang, Nueva Vizcaya.

Ang mga naarestong indibidwal ay nahaharap sa mga kaso para sa paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC)

You May Also Like