Latest News

DRIVER NG TRUCK, NABANGGA NG DUMPTRUCK, PATAY

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang truck driver matapos mabangga ng isang dumptruck habang kinukumpuni ang kanang bahagi ng kanyang trailer truck, kahapon ng madaling araw sa northbound lane ng Mel Lopez Blvd near corner JV Paz St, Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang di pa nakikilalang biktima na nasa edad 29-35 ,may taas 5’6,katamtaman ang pangangatawan ,nakasuot ng puting t shirt at itim na pantalon, habang sugatan naman ang suspek na si Joseph Amansek, 54,driver ng dump truck na may plate.number NGR-1947, at helper nitong si Ruel Fernandez.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PCpl Genesis Flagne na naganap ang insidente alas- 2:50 ng. madaling araw.

Minamaneho umano ng suspek ang kanyang dump truck sa north-bound lane ng Mel Lopez Blvd, sa Tondo nang pagsapit sa JB Paz Street ay nabangga nito ang likurang bahagi ng trailer truck ng biktima na noon ay nakaparada dahil nagkaroon ng mechanical failure, habang ang biktima ay nagkukumpuni ng truck.

Dala ng lakas ng impact ay tumilapon ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Ang driver ng dump truck ay sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property sa piskalya.

Tags:

You May Also Like

Most Read