Latest News

Driver ng BMW dinukot sa Malate

DINUKOT ng mga armadong kalalakihan ang di pa nakikilalang biktima na driver ng luxury car na BMW na inabandona, kahapon ng madaling araw sa may harap ng Aristocrat sa may San Andres St. corner MH Del Pilar, Malate,Maynila.

Ayon kay Manila Police District Director PBGen. Leo Francisco ,base sa inisyal na ulat na nakarating sa kanya ,ang driver o biktima ay dinukot ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang Sports Utility Vehicle.

Ayon kay Shane Suren, 33 ,video editor at residente ng 1640 O Zamora St., Paco, Maynila,nakita niya ang lalaking sakay ng gray BMW na may plate NDE 5943 na dinukot ng apat na suspek sakay ng SUV saka mabilis tumakas patungong P. Quirino Ave. sa Malate, Maynila.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD-PS 9 station commander PLt. Col. Rodel Borbe,kasama ang TMRU at Roxas Boulevard PCP.

Habang nagsasagawa naman ng backtracking ang Intelligence Division sa pamumuno ni PMaj.Salvador Inigo.


Iniutos na rin na alamin sa Land Transportation Office(LTO) kung kanino nakarehistro ang sasakyan.

Samantala, sa inisyal na impormasyon, bukas ang audio system at umaandar pa ang makina ng BMW na may plakang NDE-5943 sa harapan ng Aristocrat Restaurant nang ito ay respondehan ng MPD -Scene of the Crime Operatives (SOCO).


Basag naman ang harapang salamin at maging ang bumper nito ay gasgas din. Napansin din ang dash cam na bukas kaya inaalam na rin kung maaring makapagbigay ng linaw o kasagutan ang makukuhang footage.

Tags: MPD -Scene of the Crime Operatives (SOCO)

You May Also Like

Most Read