Nalito sa pagsunod sa Waze app kaya muntik nang mahulog sa creek na nasa pagitan ng riles ng Philippine National Railways (PNR) ang isang kotse minamaneho ng Isang Chinese-Malaysian national ,kahapon ng madaling araw sa Pandacan, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Police District -Police Station 10,hindi naman nasaktan ang driver na si Wiselie,28 , ng 106 L.P Leviste at.Bel Air Makati City at ang kasama nitong si Judy Adriano,27 at residente ng Harrison mansion sa FB Harrison Pasay City at maayos na nakalabas sa sasakyan.
Naganap ang insidente alas- 4:20 ng madaling araw sa may southbound
ng Beata PNR Station railroad na nasa Tomas Claudio street near corner Beata street Pandacan, Maynila.
Sa imbestigasyon ng pulisya,papunta sa Makati ang sakay ng kotseng Ford Focus na may plate number WEQ648 at sinusunod nito ang Waze app para marating ang direksiyon nang palikuin ito, dahilan para mabalahaw ang kanyang sasakyan at muntik pang mahulog sa creek na nasa pagitan ng riles.
Kinakailangan pa na batakin ng crane ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kotse para maialis sa riles ng tren.
Nagresulta ng pagkaantala ng biyahe ng tren ang nabanggit na insidente. (Carl Angelo)