Latest News

DRIVER NA WANTED SA MURDER, ARESTADO SA MAYNILA

By: Baby Cuevas

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Warrant Subpoena Section and Intelligence Section kamakalawa ng gabi sa may panulukan ng Dagupan at Yuseco Streets sa Tondo, Maynila, ang isang 22-anyos na driver na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Ang suspek na si John Christian Tajoy ng No. 28 Benjamin St., San Rafael Village, Navotas City ay inaresto base sa inilabas na arrest warrant ni Manila RTC Presiding Judge Sherwin Peter Pulayan na may petsang Mayo 24,2024.

Inirekomenda ng korte ang P60,000 para sa.pansamantalang kalayaan ng suspek na dinakip aas-5:20 ng hapon sa nabanggit na lugar.


Nasa kustodiya ngayon ng MPD-WSSIS ang suspek na nakatakdang iharap sa korte.


Tags: Manila Police District - Warrant Subpoena Section and Intelligence Section

You May Also Like

Most Read