Latest News

DRIVER, MAG-AMA, PATAY SA ‘ROAD MISHAP’

By: Victor Baldemor Ruiz

Patay ang driver ng isang pick-up truck habang nasawi rin ang mag-ama bukod pa sa apat ang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng mga bus sa Davao City at Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa unang road accident na naganap sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur, wasak ang isang pick-up matapos na bumangga sa kasalubong na bus na ikinasawi ng driver nito, habang sugatan naman ang mga pasahero nito kabilang ang driver at konduktor ng bus.

Isa ring bus ang nasangkot sa madugong ‘road mishap’ o aksidente sa kalye nang sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo sa diversion road crossing bypass road sa Barangay Ma-a, Davao City nitong Sabado ng madaling araw.


Dead-on-the-spot ang driver ng motorsiklo at dalawang- taong- gulang na babaeng anak nito, habang malubha pa ang isa pang angkas ng motor.

Inararo naman ng isa pang bus na pagmamay-ari ng Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang isang bahay at nakaparadang pickup sa Purok 10-B, Brgy. Los Amigos, Tugbok District, Davao City nitong Sabado ng umaga, Hunyo 1.


Hinihinalang nakatulog umano ang driver ng bus na kasalukuyang naka-detine ngayon sa Tugbok Police Station para sa kaukulang pagsisiyasat at paghahain ng kaso.


Tags: Tugbok Police Station

You May Also Like

Most Read